Tulfo1

Rep. Tulfo sa DMW: Tiyakin na pantay sahod ng Pinoy seaman, iba pa sa ibang lahi

49 Views

NAIS ni Deputy Majority leader at ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo na tiyakin ng Department of Migrant Workers (DMW) na pantay o parehas ang sahod ng mga Pinoy seaman at iba pang propesyon sa ibang mga lahi sa kanilang mga kontrata.

“Matagal nang nakakarating sa aking tanggapan ang reklamo na ito pero walang magawa ang mga kababayan natin dahil hindi naman mga choosy tayong mga Pinoy,” ayon kay Cong. Tulfo.

Aniya, “I encourage ang DMW natin na siguruhin na hindi dehado mga kababayan natin pagdating sa sahod at benepisyo”.

Suhestiyon naman ni ACT-CIS Cong. Edvic Yap na kausapin ng DMW ang mga manning, placement, at recruitment agencies hinggil dito.

“At hindi lang sa mga seaman nangyayari ito kasi dahil pati land based contract tulad ng engineers, accountants, draftsman at iba pa tila mas mababa ang sweldo ng mga Pilipino kaysa sa mga ibang lahi partikular na mga Europeans at Americans,” ani Cong. Yap.

“I think its high time we do something about this kasi nga hindi tayo reklamador pagdating sa sweldo lalo na pag nasa abroad na ang kababayan natin,” dagdag pa ni Tulfo.

Uminit ang isyu hinggil sa sahod ng mga seafarers matapos mapabalita kamakailan na isang seaman ang nagdemanda sa korte sa The Netherlands para ipantay ang sahod nila sa mga Europeans.

Nakatakdang makipagpulong si Cong. Tulfo kasama si Cong. Yap sa mga opisyal ng DMW ngayong linggo hinggil sa isyung ito.