BBM2 TULONG NI PBBM – Pinuntahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang mga biktima ng bagyo para personal na alamin ang kanilang kalagayan at mamahagi ng tulong.

PBBM ayaw nang pag-usapan si Duterte, mas tutok sa biktima ni ‘Kristine’

Chona Yu Nov 4, 2024
28 Views

BBM1BBM3AYAW nang pag-usapan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang mga pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na mayroon siyang death squad nang ipatupad ang anti-drug war campaign.

Sa ambush interview sa Laurel, Batangas, sinabi ni Pangulong Marcos na sa halip na si Duterte ang pag-usapan, mas makabubuting ituon ang atensyon sa tumamang bagyong Kristine.

Sabi ng Pangulong Marcos, kaniyang tututukan ang mga biktima ng bagyo.

“I don’t want to talk about that; I need to talk about what’s happening here,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Nagtungo si Pangulong Marcos sa Batangas para personal na alamin ang kalagayan ng mga biktima ng bagyo. Namahagi rin siya ng ayuda sa mga ito.

Matatandaang sa pagdinig ng Senado, walang bahid ng pagsisisi si Duterte sa ikinasang anti-drug war campaign.

Base sa talaan ng Philippine National Police, mahigit 6,000 drug suspects ang napatay sa anti-drug war campaign ni Duterte.