Nograles Deputy Majority Leader Margarita “Atty. Migs” Nograles

Mataas na trust, performance rating ni Speaker Romualdez, pagkilala rin sa pagsusumikap ng buong Kamara — Young Guns

16 Views
Nograles1
Davao Oriental 2nd District Rep. Cheeno Miguel Almario
Suan
Cagayan de Oro City 1st District Rep. Lordan Suan

HINDI na ikinagulat ng mga miyembro ng “Young Guns” ng Kamara de Representantes ang mataas na trust at performance rating na nakuha ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa survey ng OCTA Research, dahil sa uri ng pagtatrabaho ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Ito ang sinabi nina Deputy Majority Leader at PBA Party-list Rep. Margarita “Atty. Migs” Nograles, Davao Oriental 2nd District Rep. Cheeno Miguel Almario at Cagayan de Oro City 1st District Rep. Lordan Suan matapos lumabas ang resulta ng Tugon ng Masa survey ng OCTA Research na isinagawa noong Setyembre.

Sa naturang survey, nakakuha si Speaker Romualdez ng overall trust rating na 61 porsiyento at overall performance rating na 62 porsiyento.

“I thank Speaker Romualdez for humbly crediting the entirety of the 300-plus strong House of Representatives for his survey scores. The truth is that his dedication is infectious, and his leadership inspires all of us to get the job done swiftly and properly,” ani Nograles.

Sumang-ayon si Almario kay Nograles at sinabi na hindi maitatanggi ang magandang ipinakikita ng Kamara ngayon sa paggawa ng mga panukalang batas at paggamit ng oversight power nito upang matiyak na tama ang pagpapatupad ng mga batas.

“I’m proud to be associated with the bigger chamber of Congress, which in the past two and a half years has proven that our output or production can combine quantity and quality. The OCTA Research survey numbers show that Filipinos appreciate the House’s quiet but passionate work ethic,” ani Almario.

Ayon naman kay Suan, isinantabi ng Kamara ang mga dramang pampulitika para makamit ang hangarin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. na mapaunlad ang ekonomiya.

“Our terms as congressmen are short because we’re only guaranteed three years after an election. But the House under Speaker Romualdez has refused to be limited by this and chose to make every session day count. Kahit nga bakasyon trabaho pa rin. We believe in this mindset and gladly follow it,” sabi ni Suan.

Ngayong 19th Congress, natapos ng Kamara ang mga prayoridad na lehislasyon na tinukoy ni Pangulong Marcos sa kanyang State of the Nation Address (SONA) at Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) ilang buwan bago ang deadline.

Napagtibay din muli ng Kamara sa tamang oras ang panukalang General Appropriations Bill (GAB), o ang P6.352 trilyong pondo para sa 2025.

Noong Agosto naman binuo ang quad committee na nakakasiyam na pagdinig na kaugnay ng iligal na operasyon ng mga Philippine offshore and gaming operator (POGO), extrajudicial killings (EJK), kalakalan ng ipinagbabawal na gamot at money laundering.