Dy

Rep. Inno Dy tinutukan proyekto sa Isabela

Mar Rodriguez Nov 5, 2024
27 Views

Dy1Dy2Dy3BAGO nagbalik session ang Kamara de Representantes tnutukan muna ni House Deputy Majority Leader at Isabela 6th Dist. Faustino “Inno” A. Dy V ang mga nakahilerang proyekto sa kanilang lalawigan.

Ito ay matapos pangunahan ni Dy ang pagpapasinaya at inagurasyon ng bagong multi-purpose building project sa Barangay Villa Sanchez, San Guillermo, Isabela.

Ayon kay Dy, habang nakabakasyon ang sesyon ng Mababang Kapulungan, nakatutok ito sa mga nakahilerang proyekto sa kaniyang lalawigan upang isulong ang unti-unting pag-unlad ng Isabela sa pamamagitan ng mga mahahalaga at makabuluhang infrastructure projects.

Pinasalamatan din ng kongresista ang suportang ibinigay ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Local Government Unit (LGU) ng San Guillermo upang maisakatuparan ang mga isinulong nitong proyekto.

“Hindi po magiging posible ito kung hindi sa walang sawang suporta ng DPWH at LGU ng San Guillermo kasama na ang mga Barangay officials na kasama po natin sa adhikain na mapabuti at mapaunlad ang bawat residente ng ating nasasakupan,” sabi ni Dy.