bro marianito

Sino si Jesus para sa atin?

207 Views

Ang totoong nakakakila sa Diyos ay mayroong malalim na pananampalataya (Luke 9:18-22).

NAAALALA ko nuong mga panahong hindi pa ako nagsi-silbi sa ating Panginoon.

Madalas ko siyang sumbatan at sisihin kapag may mga problemang dumarating sa aking buhay.

Ito ay sa kadahilanang mababaw lamang kasi ang pagkakakilala at ugnayan ko sa ating Diyos. Sinisipag lamang akong magsimba kapag may gusto akong hilingin sa kaniya.

Sa Mabuting Balita na (Luke 9:18-22) nabasa natin tinanong ni Jesus ang kaniyang mga Disipulo: “Anong sinasabi ng mga tao tungkol sa akin? Sino daw ako?”

May iba na nagsabing siya si Juan Bautista. Yung iba naman, siya si Elijah at yung iba ay Propeta daw siya noong unang panahon. Pero para sa kaniyang mga Disipulo, siya ang Kristo na isinugo ng Diyos.

Kapag tayo naman ang tinanong halimbawa. Sino si Jesus para sa atin? Ano ang ating magiging sagot?

Aminin man natin o hindi, may ilan sa atin ang hindi nakakakilala sa Diyos at hindi malalim ang kanilang ugnayan sa Panginoon.

Kaya kapag dumating ang mga pagsubok sa ating buhay, madaling tumatamlay ang kaniyang pana-nam-palataya.

Ang taong may malalim na pananampalataya at lubos na nakakakilala sa ating Panginoon ay tulad ng isang taong nagtayo ng kaniyang bahay sa ibabaw ng bato.

Dumaan ang bagyo, hindi natitinag ang bahay na ito dahil matibay ang pinagkaka-tirikan.

Si Jesus ang batong pinagtayuan ng bahay. May mga tumatawag sa kaniya ng “Panginoong Diyos, Lord God” at kung ano-ano pa, subalit patuloy naman sa pagka-kasala.

May mga nagsasabing may pananampalataya sila sa Panginoon pero hindi malalim ang kanilang ugnayan sa kaniya.

Ang taong tunay na nakakakilala sa Diyos ay nakababatid sa Kaniyang kalooban. Dahil ang taong tunay na nakakakilala sa ating Panginoon ay nakakaunawa na walang hina-ngad na masama ang Diyos para sa kaniyang mga anak.

Ang totoong nakakakilala sa Panginoong Diyos ay hindi lamang nananampalataya sa Kaniya kundi sumusunod din sa Kaniyang kalooban.

Dahil kung talagang tunay na nakikilala natin ang Panginoong Diyos, alam natin kung ano ang masama at ang mabuti.

Ang akala ko noon, sapat na ang magsimba at magdasal. Ang akala ko, kilalang kilala ko na ang Diyos sa ganoong paraan.

Ang hindi ko alam, kailangan ko rin sumunod sa Kaniyang kalooban.

Katulad sa isang kaibigan, masasabi mo bang close kayo ng kaibigan mo kung lagi kayong magkasalungat ng pani-niwala at prinsipyo?

Masasabi din kayang kilala at close tayo sa Diyos kung sinusuway natin ang Kaniyang mga utos?

Ang pagbasa ngayon ay isang paalala na kailangan nating lubos na kilalanin ang ating Panginoon. Baka mababaw ang ating pagkakakilala sa Kaniya kaya kailangan nating palalimin ang ating pakikipag-ugnayan sa Diyos.

Ang anomang kulang ay kailangang dagdagan.

AMEN