President Trump

PBBM nagpaabot ng pagbati kay Trump

Chona Yu Nov 6, 2024
16 Views

NAGPAABOT ng pagbati si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kay US President-elect Donald Trump.

Ito ay matapos manalo si Trump sa katatapos na eleksyon sa Amerika laban kay Vice President Kamala Harris.

Umaasa si Pangulong Marcos sa pakikipagtulungan kay Trump sa iba’t ibang malalawak na isyu para sa ikabubuti ng Pilipinas at Amerika sa pamamagitan ng malalim na ugnayan, nagkakaisang paniniwala at mithiin, at mahabang kasaysayan ng relasyon.

“I am hopeful that this unshakeable alliance, tested in war and peace, will be a force for good, blazing a path of prosperity and amity in the region and on both sides of the Pacific,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“This is a durable partnership to which the Philippines is fully committed, because it is founded on the ideals we share: freedom and democracy,” dagdag ni Pangulong Marcos

Ayon kay Pangulong Marcos, kilala na niya si Trump noong bata pa kung kaya Kumpiyansa siya sa matatag na leadership ng dating Pangulo na tiyak na magdadala ng magandang kinabukasan hindi lamang para sa Amerika kundi para sa lahat.

“Congratulations, President-elect Trump!” pahayag ni Pangulong Marcos.