QRF

Quick Response Fund nauubos na dahil sa mga bagyo — PBBM

Chona Yu Nov 6, 2024
42 Views

NAUUBOS na ang Quick Response Fund (QRF) dahil sa mga bagyong tumama sa bansa.

Ito ang inamin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.. talumpati sa pamamahagi ng ayuda sa mga nasalanta ng bagyong Kristine sa Legazpi City, Albay.

Ayon sa Pangulo, dahil sa damii ng bagyo ay naubos nq ang QRF kaya nagtabi ulit sila ng pondo pata malagyan ito para sa mga lokal na pamahalaan at sa kanilang pangangailangan.

Sa ilalim ng General Appropriations Act (GAA) ng 2024, may pondo ang pambansang gobyerno mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Fund (NDRRMF) at Quick Response Fund (QRF) para sa mga operasyon ng tulong sa kalamidad.

Nasa P7.925 bilyon ang QRF sa ilalim ng 2024 General Appropriations Act (GAA).

Sa naturang halaga P1 bilyon ang inilaan para sa Department of Agriculture (DA) Office of the Secretary.

Samantala, sinabi ni Finance Secretary Ralph Recto na kabilang sa mga karagdagang pondo na agad magagamit ng Department of Finance ay ang mga unprogrammed funds, ang $500 milyong standby credit line, isang Rapid Response Option (RRO) facility, ilang contingency emergency response components mula sa World Bank, at post-disaster standby financing mula sa Japan.

Paliwanag ni Recto, ang mga karagdagang pondo ay agad na maaaring kunin at ilabas kapag nagdesisyon ang pambansang gobyerno na gamitin ito.