Young Guns

Sinong makikinabang sa pag-alis ng bansa ng chief-of-staff ng VP Sara?— Young Guns

42 Views

SINO ang makikinabang sa pag-alis sa bansa ni chief-of-staff ng Office of the Vice President (OVP) na si Zuleika Lopez?

Ito ang tanong ng mga miyembro ng Young Guns ng Kamara de Representantes matapos na umalis si Lopez patungong Amerika sa bisperas ng pagdinig ng House Committee on Good Government sa kinukuwestyong paggamit ni Vice President Sara Duterte ng confidential fund ng OVP at Department of Education (DepEd).

Kapwa tinuligsa nina Deputy Majority Leader Jude Acidre ng Tingog Party-list at House Assistant Majority Leaders Zia Alonto ng Lanao del Sur, Jil Bongalon ng Ako Bicol Party-list at Cagayan de Oro Rep. Lordan Suan si Lopez sa pag-alis ng bansa sa kabila ng pag-imbita sa kanya sa pagdinig ng komite.

Duda si Acidre sa timing ng pag-alis ni Lopez at napatanong kung sino ba ang makikinabang sa kaniyang pag-alis.

“The first question you should be asking is, who is set to benefit from her absence? Sino ang magbe-benepisyo na umalis siya?” ani Acidre

Ilang beses na aniya inimbitahan ng komite si Lopez at anim pang opisyal ng OVP na dumalo sa pag-dinig ngunit kahit na minsan ay hindi dumalo ang mga ito.

“This is the fourth time, I believe, that they were invited to the hearings. Siguro justifiable naman if you would imply bad faith, na umalis siya sa gabi, bago nangyari iyung hearing,” dagdag ni Acidre.

Binigyang diin ni Acidre ang kahalagahan ng pagrespeto sa legislative process gayundin ang hindi magandang ehemplo ng pagbalewala sa mga imbitasyon ng komite.

“Hindi puwedeng i-balewala na lang ng komite na ini-ignore ang mga paanyaya. Kasi kung hahayaan ho namin na ibalewala lang ang mga paanyaya ng mga komite ng Kongreso, sino ang makakapigil sa iba na balewalain din ang mga susunod pang pagdinig ng ating mga komite?” aniya.

Kwestyunable rin para kay Adiong ang desisyon ni Lopez na unahin ang personal na lakad sa halip na dumalo sa pag-dinig.

“The timing is very suspicious. It also speaks of priority; as a public officer and a public official working in the government, it is your duty to respond to an official invitation by your co-equal branch, especially if it discusses a very important matter which is the utilization of public funds,” ani Adiong.

Bilang isang kawani ng pamahalaan, dapat bigyang prayoridad ni Lopez ang pagsisiyasat kaysa sa anumang pribadong isyu.

“It is incumbent upon COS Zuleika to appear before the committee because that’s her duty. Duty above personal travel dapat,” giit niya.

Bagamat naniniwala si Bongalon na may presumption ng good faith sa bawat aksyon, kaduda-duda ang pag-alis ni Lopez.

“Good faith is presumed in every act but the presumption does not apply in this case. Ibig sabihin mayroon bad faith. They were invited several times. Umalis po siya ng bansa the night before the scheduled hearing,” sabi pa nito.

Maaari din aniya isipin ng publiko na ang pag-alis ni Lopez ay paraan upang makaiwas ito sa pananagutan.

“Ang implikasyon po kasi nito is magdududa po kasi yung taong bayan. Ibig sabihin baka tumatakas sila or iniiwasan nila ito pong hearing para hindi sila matanong sa mga issues na pinupukol sa kanila,” dagdag niya

Sinang-ayunan ito ni Suan at ipinaalala na“flight is an indication of guilt.” Umaasa siya na hindi ganito ang kaso kay Lopez.

“The guilty flee when no one pursue it, but the innocent are bold as a lion. So gaya nang sinasabi ni Atty. Jil na kung wala namang tinatago, wala namang reason na umiwas po tayo,” sabi ni Suan

Ayon pa kay Adiong lalo lang nito pinapalakas ang hinala ng publiko na umiiwas ang OVP sa isyu.

“If they continue on behaving like this, refusing the invitation… then they reinforce the public perception. Mayron talaga silang iniiwasang sagutin,” aniya

Dahil sa pag-alis ni Lopez ay marami pa ring tanongn a hindi masasagot ani Acidre, lalo at wala rin naman maibigay na paliwanag ang ibang mga opisyal ng OVP na dumalo sa pag-dinig.

“With her absence, a lot of questions will be left unanswered,” ani Acidre

Nanawagan naman si Bongalon kay Lopez na unahin ang kaniyang responsibilidad sa publiko kaysa personal na interes dahil responsibilidad niyang ipaliwanag ang mga natuklasang iregularidad.

“The chief of staff has the obligation to explain the irregularities, the concerns and the issues kasi kung wala naman tinatago bakit ka umiiwas?” Pahayag niya

Sabi pa ni Acidre na hindi nila inuusig ang sinoman indibidwal ngunit ginagampanan lang ang mandato nila ng oversight.

“This is not just a matter of really zeroing in on specific individuals. But this is also to protect the integrity of the processes that we have here in the House and also to uphold the dignity of the institution,” saad niya.