Martin1

Speaker Romualdez binati si Trump sa panalo nito

Mar Rodriguez Nov 6, 2024
13 Views

Trump1ISANG mainit na pagbati ang ipinaabot ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez kay President-elect Donald Trump na nagwagi sa katatapos na halalan sa Estados Unidos.

“ON behalf of the House of Representatives and the Filipino people, I extend warm congratulations to President-elect Donald Trump on his recent victory. The American people have spoken, and we look forward to strengthening our enduring relationship with our oldest ally,” ani Speaker Romualdez.

Sinabi ng lider ng mahigit 300 kinatawan ng Kamara de Representantes na ang pamumuno ni Trump ay nagbubukas ng panibagong oportunidad upang mas mapalalim ang relasyon ng Pilipinas at Estados Unidos partikular sa larangang pang-ekonomiya na pakikinabangan ng mga Pilipino.

“We are optimistic that under President Trump, maritime security and regional stability will remain priorities, especially in the West Philippine Sea. The Philippines values a strong defense partnership with the U.S., supporting peace and stability across the Indo-Pacific,” sabi pa nito.

Pinuri rin ni Speaker Romualdez ang patuloy na suporta ng Estados Unidos sa counter-terrorism at pagtulong sa paglaban sa mga extremism group.

“As we enter this new chapter, the Philippines remains committed to a strategic alliance with the U.S., founded on mutual respect, shared interests, and the common goals of security and progress<‘ wika pa nito.

“Congratulations once again, President Trump. We look forward to further strengthening our partnership,” saad pa ng lider ng Kamara.