Martin Pinirmahan ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. ang Enterprise Based Education and Training (EBET) Act sa Malacañang Palace noong Huwebes. Saksi sa pagpirma sina Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, Senate President Chiz Escudero, Senator Joel Villanueva at Baguio Lone District Rep. Mark Go. Kuha ni VER NOVENO

PBBM nilagdaan EBET Act

Chona Yu Nov 7, 2024
31 Views

NILAGDAAN na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Enterprise-Based Education and Training (EBET) Framework Act para matugunan ang mga isyu ng hindi pagkakatugma ng mga trabaho.

Ayon sa Pangulo, sa pamamagitan ng bagong batas na ito, makabubuo ng isang mataas na kasanayan at globally-competitive na lakas-paggawa na mga Filipino.

Sinabi pa ni Pangulong Marcos na sa pamamagitan ng bagong batas direktang makakatugon ang mga Filipino sa kakulangan ng pormal na pagsasanay at hindi pagkakatugma ng mga kasanayan.

Magbibigay ang EBET sa mga Pilipinong manggagawa ng madaling access sa mga kasanayang may kinalaman sa industriya na mag-uugnay sa kanilang mga kakayahan at pangangailangan ng industriya.

Sinabi rin ng Pangulo na ang batas magpapalakas sa pakikipagtulungan sa pribadong sektor para maiayon ang mga training program sa aktwal na pangangailangan ng industriya.

Umaasa naman si Pangulong Marcos na ang bagong batas makakatulong pa sa pagpapabuti ng mga rate ng empleyo at kawalan ng trabaho sa bansa.

“By opening pathways to professional growth, employment opportunities, and entrepreneurship, we are answering the call for quality employment and fostering a globally competitive workforce,” ayon pa sa Pangulo.