Vehicle Isang electric vehicle charging station ang binuksan sa parking lot ng SM Megacenter sa Cabanatuan City bilang pagtugon sa panawagan ng pamahalaang nasyonal na itaguyod ang “National Renewable Energy Program.” Kuha ni Steve Gosuico

2nd in-charging station sa Cabanatuan SM Supermalls binuksan

Steve A. Gosuico Nov 11, 2024
44 Views

CABANATUAN CITY–Binuksan ang electric vehicle charging station sa parking lot ng SM Megacenter sa Cabanatuan City noong Huwebes.

Pinangunahan nila Pearl Salangsang, SM regional operations manager; SM Megacenter assistant mall manager Keldrin Wy, Sheree-Anne Eugenio, SM City-Cabanatuan PR manager at mga opisyal ng Brgy. San Roque Norte ang event.

Kasama din si Cris Anthony Santos, sales executive ng Dongfeng Motors-Tarlac City, at nagbigay ng demonstration kung paano ang pag-cha-charge gamit ang NAMMI e-vehicle.

Ayon kay Wy, ito na ang ikalawang “in-mall” e-vehicle charging station sa Cabanatuan SM Supermalls bukod sa isa pang unang itinayo sa SM City-Cabanatuan.

Kaagapay ang SM Green Movement sa e-vehicle charging station bilang pagsuporta sa “National Renewable Energy Program.”