Remulla

200 preso sa Bilibid na sangkot sa droga ililipat

Chona Yu Nov 12, 2024
38 Views

NASA 200 high profile na bilanggo na sangkot sa operasyon ng illegal na droga sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City ang ililipat sa ibang pasilidad.

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na tukoy na ang 200 high profile inmates.

Gayunman, tumanggi si Remulla na tukuyin ang 200 bilanggo.

Ililipat aniya ang mga ito sa isang bagong pasilidad na ipinatatayo ng Department of Justice at Bureau of Corrections.

Aktibo pa rin aniya ang mga bilanggo sa operasyon ng illegal na droga sa loob ng Bilibid.

Kasabay nito, sinabi ni Remulla na ikakasa na ng ng pamahalaan ang bagong istratehiya laban sa big guns sa kalakalan ng illegal na droga.

Ayon kay Remulla, ipinatawag siya ni Pangulong Marcos kasama sina Philippine National police chief Franciscco Marbil at si Philippine Drug Enforcement Agency chief Moro Virgilio Lazo.

Nais ni Pangulong marcos na tutukan ang supply side sa illegal na droga at hindi sa mga maliliit na personalidad na kumukunsumo nito.