Bagyo

PBBM sa publiko: Maghanda sa napipintong bagyo, wag matigas ang ulo

Chona Yu Nov 12, 2024
56 Views

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na nakahanda na ang gobyerno sa pagtama ng tatlong bagyo sa bansa.

Sa ambush interview sa Paranaque City, sinabi ni Pangulong Marcos na binabantayan na ngayon ang epekto ng bagyong Nika sa Isabale at Aurora.

May mga naka-preporisiton na aniyang relief goods at iba pang kagamitan sa mga lugar na tatamaan ng bagyo.

Pinaghahanda rin ng Pangulo ang publiko sa napipintong bagyong Ofel at Pepito.

“The problem is there is another one that’s now 3,000 plus kilometers off the coast of Luzon. And that promises to be a stronger one. So, we just have to continue to prepare,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Aminado si Pangulong Marcos na mahirap na magkomponi ngayon sa mga sirang lugar dahil sa mga paparating pa na bagyo.

“Ngayon, sinasabi natin, mag-isip-isip tayo kasi kung aayusin natin, tapos sisirain na naman ng susunod na bagyo, sayang lang ‘yung ating ginawa. So kailangan natin mag-plano. Pero ‘yung mga tao, kailangan na may kuryente, kailangan na may food supply, kailangan na may tubig, kailangan na ayusin ang kanilang buhay,” dagdag ng Pangulo.

“So this is the balance that we are, this is the tightrope that we are trying to navigate,” sabi ni Pangulong Marcos.

Pakiusap ni Pangulong Marcos sa publiko, huwag matigas ang ulo.

“So everyone, please listen to your local government and authorities who tell you what to do,” dagdag ng Pangulo.