BBM1 Ang mga opisyal ng DILG PNP at PDEA ay ipinatawag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Palasyo ng Malakanyang upang talakayin pagpapalakas ng kampanya laban sa illegal na droga.

PBBM nakipagkita sa opisyal ng DILG, DOJ, PDEA, PNP upang kampanya vs droga palakasin

Chona Yu Nov 12, 2024
32 Views

LALO pang palalakasin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kampanya ng administrasyon kontra illegal na droga.

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cesar Chavez, ipinatawag ni Pangulong Marcos sa Malakanyang sina Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla, Philippine National Police chief General Franciscco Marbil at si Philippine Drug Enforcement Agency chief Moro Virgilio Lazo.

“The President met with the DILG, DOJ, PDEA and PNP to strengthen the collaboration amongst the PDEA, PNP and NBI in the fight against illegal drugs yesterday afternoon,” pahayag ni Chavez.

Una nang sinabi ni Pangulong Marcos na hindi magiging madugo ang kanyang istilo sa kampanya kontra sa illegal na droga, hindi katulad kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Base sa talaan ng Philippine National Police, nasa mahigit 6,000 drug suspects ang napatay sa kampanya sa illegal na droga ni Duterte.