Sara Dumalo si Vice President Sara Duterte sa pagdinig ng Quad Committee sa People’s Center sa Kamara de Representantes bilang suporta sa kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na naging resource person. Kuha ni VER NOVENO

FPRRD inamin pagtatanim ng ebidensya noong alkalde pa ng Davao City

22 Views

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na nagtanim ito ng ebidensya sa isang hinihinalang kriminal noong siya ay alkalde ng Davao City.

Ang pag-ako ng dating pangulo ay kasunod na rin ng palitan ng diskurso sa pagitan niya at ni Quad Comm co-chairman at Rep. Dan Fernandez ng Santa Rosa City, Laguna matapos ang kanyang unang pagtanggi na nagtanim siya ng ebidensya, na salungat sa kanyang pahayag noong 2016.

Binago ng dating pangulo ang kanyang pagtanggi nang ipakita sa kanya ang isang video ng kanyang panayam.

“Hindi po totoo yung nasa video?” tanong ni Fernandez kay Duterte, na sinagot naman ng dating Pangulo na, “Totoo yan.”

“So totoo pong nagpa-plant kayo ng evidence?” tanong ng kongresista.

“Well, that was a part of the strategy as a mayor and as the leader of a law enforcement agency in the city,” sagot ng dating pangulo.

Bago ang pag-amin, tinanong ni Fernandez, “Mr. President, mayroon po kayong sinabi ‘nung 2016 sa interview niyo po that you have planted evidence during your time as a fiscal. Is this true?”

“That’s garbage, sir,” sagot ni Duterte.

“So, yung po nga sabi n’yo sa video, hindi po siya, totoo? giit ni Fernandez.

“Alam ng mga police yan, ‘yung planting of evidence,” sagot nito.

“Kasi, Mr. President, yung po yung napanood ko at sinabi niyo po…na nagpa-plant po kayo ng evidence and we wanted to find out. Kasi po yung pronouncement niyo po was construed by the members of the PNP organization that they can do freely the planting of evidence,” sagot ni Fernandez.

“That’s illegal. I was teaching them (policemen) criminal law,” tugon ng dating pangulo.

“But the problem is, Mr. President, is your pronouncement, that you have done that, ‘yung sa planting of evidence,” diin pa ni Fernandez.