Nag-ahit, nakuryente, patay
Nov 24, 2024
3rd NLTEX ’24 ginanap sa La Union
Nov 24, 2024
Kabahayan sa Isla Puting Bato nasunog
Nov 24, 2024
Calendar
Motoring
Libreng sakay ng LTFRB balik na simula sa Lunes
Peoples Taliba Editor
Apr 9, 2022
247
Views
SIMULA sa Lunes, Abril 11, ay balik na ang libreng sakay na ibinibigay ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Ayon kay LTFRB executive director Maria Kristina Cassion, naghahanda na ang ahensya para sa pagbabalik ng kanilang service contracting program o pagbabayad sa mga pampublikong sasakyan para magbigay ng libreng sakay sa publiko.
Dahan-dahan umano ang implementasyon ang programa habang kinokompleto pa ng ilang operator ang mga kinakailangang requirements.
Ang service contracting program ay mayroong P7 bilyon pondo sa ilalim ng 2022 General Appropriations Act.
Saklaw ng programa ang 1,000 ruta sa buong bansa at lalahukan ng 13,000 hanggang 15,000 pampasaherong sasakyan.
Empleyado ng LTO binalaan vs pakikisabwatan sa fixer
Sep 26, 2024
Pag-ayos ng RFID system pag-aaralan
Sep 23, 2024