Calendar
Provincial
2 nagnenok ng motor, timbog
Jojo Cesar Magsombol
Nov 19, 2024
366
Views
DALAWANG lalaki ang naaresto noong Lunes ng mga pulis habang sakay ng umano’y ninakaw nilang motorsiklo sa police checkpoint sa Pililla, Rizal.
Dakong alas-12:25 ng umaga ng mahuli sina alyas Fer at alyas Pat sa checkpoint.
Isang ginang ang dumulog sa Pililla police dahil sa pagkawala ng kanyang motorsiklo habang naka park sa kahabaan ng Manila East Road Brgy. Bagumbayan Pililla, Rizal.
Sa kalagitnaan ng Oplan Sita sa may bahagi ng Pililla-Tanay Road, Sitio Cumbo, Brgy. Hulo Pililla, Rizal pinahinto ang isang motorsiklo na sakay ang dalawang lalake na walang helmet.
Nang tingnan ang OR/CR, nagtugma sa pagkakakilanlan na ibinigay ng biktima sa dalawang suspek at tuluyan nang natiklo.
PNP, PCA nag-collab sa pagtanim ng puno
Aug 25, 2026
Ex-miyembro ng CTG nagbalik-loob sa gobyerno
Aug 25, 2026
UPLB 4PH Rental Housing Project ginagawa na
Aug 24, 2026
PAGDINIG SA ZAMBOANGA SCHOOL SHOOTING
Aug 24, 2026
2 arestado sa P1.5M Kush na halagang P1.5M
Aug 24, 2026
7 nasapot ng parak sa sabong ng gagamba sa Batangas
Aug 24, 2026

