Patay

Driver, back rider ng motorsiklo dedo sa aksidente

9 Views

PATAY ang dalawang di-kilalang lalake nang aksidenteng sumemplang ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa Barangay San Roque, Bauan, Batangas.

Isang tawag sa cellphone ang natanggap ng Bauan MPS mula sa isang concerned citizen na inireport ang trahedya.

Lumabas sa imbestigasyon na dakong 2:30 p.m. ng November 17, 2024 nang maganap ang insidente.

Nang sumapit sila sa kurbadong kalsada ay nawalan umano ng balanse ang driver kung kaya’t sumemplang ang motorsiklo.

Nagtamo ng malalalim na sugat sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang driver at ang back rider.

Agad silang dinala sa Bauan General Hospital ng mga miyembro ng MDRRMO, kung saan idineklara silang dead on arrival ng attending physician na si Dr. Allan Bato.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga imbestigador ng Bauan MPS para alamin ang pagkakakilanlan at iba pang personal na detalye ng mga biktima.