Belmonte ipinag-utos na buwagin Task Force Disiplina
Oct 13, 2026
SOTTO LIGTAS SA CONTEMPT SA DESISYON NI LEONEN
Oct 13, 2026
Calendar
Provincial
Frasco muling isinabuhay ang Ang Mabuting Samaritano para sa mga pamilyang sinalanta ng malaking sunog.
Mar Rodriguez
Nov 20, 2024
602
Views
MULING isinabuhay ni House Deputy Speaker at Cebu 5th Dist. Rep. Vincent Franco “Duke” D. Frasco ang kuwento ng “Ang Mabuting Samaritano” matapos itong mamahagi ng daan-libong pisong cash assistance para sa 12 pamilya na nasalanta ng sunog sa Barangay Dunggoan, Danao City sa Cebu City.
Pinangunahan ng House Deputy Speaker ang pagkakaloob ng tinatayang nasa P150,000 cash assistance para sa mga nasabing biktima.
Namigay din si Frasco ng sako-sakong bigas para sa iba pang pamilya na naapektuhan ng malaking sunog.
Paliwanag ng kongresista na malaki ang maitutulong ng natanggap nilang cash assistance upang muling makapagsimula sa pamamagitan ng pagpapatayo ulit ng kanilang mga bahay.
Crime incidents sa CL bumaba ng 14.6%
Oct 12, 2026

