EJK File photo ng ilan sa mga biktima ng EJK ng nakaraang administrasyon. File photo ni JONJON C. REYES

Sen. Risa idiniin na walang lugar ang EJK, pinuri PBBM sa pag-uwi ni Veloso

13 Views

EXTRAJUDICIAL killings (EJK) and other illegal forms of war on drugs dapat walang suporta. Even one is too many kung pag-uusapan ang ganitong uri ng istilo.”

Muling nanawagan si Deputy Minority Leader Senator Risa Hontiveros para sa hustisya at pananagutan kaugnay ng extrajudicial killings (EJK).

Iginiit ni Hontiveros na hindi katanggap-tanggap kahit isang kaso ng EJK, kasabay ng kanyang pagpuna sa karahasan at kawalan ng pananagutan na tumatak sa kampanya ng nakaraang administrasyon laban sa droga.

“Dapat humane and right base approach and tama ang bagong PNP (Phil National Police) Chief natin na si General Rommel Marbil for implementing the right approach,” ani Hontiveros habang pinupuri si Marbil sa kanyang patas at makataong paraan ng paglaban sa ilegal na droga sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

Sinabi rin niya ang suporta sa muling pagsasagawa ng mga pagdinig ng Senado sa isyung ito, kabilang ang posibleng pagdalo ni dating Senador Antonio Trillanes IV sa susunod na Blue Ribbon Committee meeting.

Si Trillanes, na kilalang kritiko ng war on drugs, ay isa sa mga nanguna sa pagbunyag ng mga paglabag sa karapatang pantao at katiwalian noong nakaraang administrasyon.

Samantala, binigyang-diin din ni Hontiveros na prayoridad ng Senado ang mga pagbabago sa polisiya patungo sa public health approach sa kampanya laban sa ilegal na droga gayundin sa human trafficking na naging sanhi sa pagkaka biktima ni Mary Jane Veloso na nakatakdan umuwi mula sa Indonesia.

Pinuri rin ng senadora si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang hindi pagsuko sa kaso ni Mary Jane Veloso, na nahatulan ng kamatayan 14 na taon na ang nakararaan sa Indonesia.

“Salamat sa ating Pangulo at naiwasan na mabitay si Mary Jane Veloso. Salamat sa Diyos at makakauwi ka na, Mary Jane, sa ating bayan,” sabi ni Hontiveros sa isang press conference sa Kapihan sa Senado.

Sa isang positibong balita, ipinagdiwang ni Hontiveros ang nalalapit na pagbabalik ni Mary Jane Veloso sa Pilipinas. Si Veloso, na naligtas mula sa bitayan sa Indonesia, ay muling makakasama ang kanyang pamilya. “Salamat sa Diyos, Mary Jane, na ligtas ang buhay mo. Makakauwi ka na sa ating bansa,” ani Hontiveros. Hinimok niya ang pamahalaan na bigyang-pansin ang mga isyu ng clemency at ipagpatuloy ang proteksyon sa mga Pilipino sa ibang bansa.

“Isa-isa lang muna. I am sure na pinag-aaralan pa ng Executive ang clemency para sa kanya,” dagdag pa niya.

Binigyang-diin din ni Hontiveros ang kahalagahan ng pagprotekta kay Veloso mula sa umano’y sindikato ng droga na gumamit sa kanya bilang biktima ng human trafficking na may operasyon sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Binatikos din ni Hontiveros ang selective justice at obstruction sa mga proseso ng gobyerno, partikular sa mga kasong may kaugnayan sa Philippine offshore gaming operators (POGOs). Hinimok niya ang mahigpit na pagsunod sa batas at ang pangangailangan ng pananagutan sa lahat ng antas ng pamahalaan.

Ang kanyang mga pahayag ay sumasalamin sa kanyang matatag na adbokasiya para sa karapatang pantao, mga reporma sa pamamahala, at hustisya para sa mga biktima ng pang-aabuso at pagsasamantala.