NBI Wala ng nagawa ang suspek sa statutory rape matapos arestuhin ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation sa Koronadal City, South Cotabato.

Kelot sa Koronadal nasakote sa rape

Jon-jon Reyes Nov 21, 2024
15 Views

ARESTADO ng mga operatiba ng National Bureau Investigation-(NBI) Region 12 ang isang lalaki dahil sa kasong statutory rape sa Koronadal City, South Cotabato noong Martes.

Bitbit ang warrant of arrest, naaresto ang suspek na si alyas Walter/Burador ng San Roque, Koronadal City, South Cotabato.

Inakusahan at inireklamo ng magulang ng 10-anyos at 15-anyos na bata ang suspek na nakaranas sila ng pang-aabusong sekswal na ginawa ng akusado noong Setyembre 2024.

Kasalukuyang nasa custody ng NBI CEMRO sa Koronadal City ang suspek, ayon kay NBI Director Jaime Santiago.