Calendar
Magsino nais imbestigahan illegal recruitment ng Pinay surrogate mothers
LABIS na ikinababahala ni OFW Party List Rep. Marissa “Del Mar” P. Magsino ang lumalalang kaso ng mga babaeng Pilipino na illegal na nire-recruit at ipinapadala sa ibang bansa upang gawing “surrogate mother” o ang pagdadala ng sanggol sa kanilang sinapupunan para lamang sa kapakinabangan ng mag-asawang hindi magkakaroon ng anak.
Upang magkaroon ng agarang katugunan ang naturang kaso. Inihain ni Magsino ang isang resolusyon sa Kamara de Representantes para agad na matumbok ang pinaniniwalaang lapses ng ilang ahensiya ng pamahalaan patungkol sa usapin ng labor recruitment, migration policies at anti-human trafficking laws.
Sa ilalim ng House Resolution No. 2055, layunin ni Magsino na masagkaan sa lalong madaling panahon ang unti-unting lumalalang kaso ng exploitation sa darating na hinaharap kung saan ang karamihan ay illegal na nire-recruit at pinapadala sa ibayong dagat at sapilitang pagtrabahuhin sa isang kompanya ng walang kontrata.
Ayon sa kongresista, sa pinakahuling pagsisiyasat. Tinatayang dalawampung Overseas Filipino Workers (OFWs) ang inakit o hinikayat ng isang local agency upang magtrabaho sa Thailand.
Subalit taliwas sa ibinigag na pangako ng naturang recruitment agency, ang 20 OFWs umano ay sapilitang ginawang surrogate mothers sa Cambodia.
“Surrogacy must not come at the cost of our women’s dignity. These women were promised legitimate jobs, only to find themselves victims of heinous trafficking scheme. We must take immediate action to protect them ans ensure such exploitation is curbed,” ayon kay Magsino.
Sabi pa ni Magsino na labing-tatlo mula sa 20 OFWs ang kasalukuyang nagdadalang tao sa pamamagitan ng artipisyal na pamamaraan kung saan nahaharap ang mga ito sa kasong human trafficking. Habang ang pito pa sa kanila (OFWs) ay nakatakdang ma-deport dahil sa paglabag sa immigration laws.
“Thirteen of these women were found pregnant through artificial means and are now facing human trafficking related charges. While the remaining seven are at risk of deportation for violating immigration,” wika ni Magsino.