Calendar
Buntot mo hila mo -Valeriano
“BUNTOT mo, hila mo”.
MISTULANG ganito ang mensaheng nais iparating ni Manila 2nd Dist. Rolando “CRV” M. Valeriano para kay Vice President Inday Sara Duterte kaugnay sa nagbabantang “mass lay-off” ng tinatayang nasa 200 empleyado sa Office of the Vice President (OVP) dahil narin sa ginagawang pagmamatigas ng Pangalawang Pangulo.
Naninindigan si Valeriano, Chairman ng House Committee on Metro Manila Development, na walang ibang may kasalanan sa napipintong kapalaran ng dalawang-daang kawani ng OVP kundi si VP Sara narin bunsod ng patuloy na pagtanggi nito na ipagtanggol ang 2025 budget ng kaniyang tanggapan sa nakalipas na budget hearing sa Kamara de Representantes.
Bukod dito, binigyang diin pa ni Valeriano na ang pinaka-matindi sa usaping ito ay yung hindi maipaliwanag ni VP Sara Duterte kung saan at kung papaano nito ginastos ang milyon-pisong confidential fund kung saan nagawa nitong ubusin amg naturang pondo sa loob lamang ng labing-isang araw.
Sinang-ayunan din ng kongresista ang pahayag ng kapwa nito mambabatas na hindi masisisi ng Pangalawang Pangulo ang Kongreso kung ibinaba na lamang sa P733 milyon ang kanilang panukalang pondo mula sa dating hinihingi nito na P2 bilyon dahil narin sa pagmamatigas nito na ipaliwanag sa mga mambabatas kung ano-ano ang mga pinagkagastusan ng P500 milyong confidential fund ng OVP.
Pagdidiin pa ni Valeriano na maraming pagkakataon ang ibinigay ng Kamara kay VP Sara upang magbigay mg kaniyang paliwanag patungkol sa naturang issue. Subalit sa halip na saagutin ang katanungan ng mga kongresista ay patuloy lamang ito sa pagmamatigas.
Ganito rin ang sinabi ni House Assistant Majority Leader at Zambales 1st Dist. Rep. Jefferson Khonghun na binigyan ng pagkakataon si Duterte na magpaliwanag kaugnay sa kaniyang panukalang budget subalit hindi naman ito humaharap sa budget hearing sa Kongreso.
Kaya naman muling naninindigan si Valeriano na walang ibang may kasalanan sa maaaring kasapitan ng 200 na empleyado ng OVP kundi si VP Sara narin dahil sa paulit-ulit nitong inisnab ang imbitasyon ng Kamara upang humaharap sa budget briefing upang i-justify ang budget nito.