PBBM

Kapayapaan sa Ukraine makamit na sana–PBBM

Chona Yu Nov 22, 2024
11 Views

KUMPIYANSA si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na makakamit din ang isang komprehensibo, makatarungan, at pangmatagalang kapayapaan sa Ukraine.

Ginawa ni Pangulong Marcos ang pahayag kasunod ng paggunita ng ika-1,000 araw mula nang sumiklab ang digmaan sa pagitan ng Ukraine at Russia.

Ayon kay Pangulong Marcos, ang Ukraine ay isang mahalagang kaalyado ng Pilipinas, at patuloy aniyang lumalakas ang ugnayan ng dalawang bansa.

Inalala rin ni Pangulong Marcos na sa kanyang pakikipagpulong kay Ukrainian President Volodymyr Zelensky noong Hunyo 3 ngayong taon ay binigyang-diin niya ang matatag na suporta ng Pilipinas para sa soberenya, kalayaan, pagkakaisa, at territorial integrity ng Ukraine.

“It our hope that we will see comprehensive, just, and lasting peace in Ukraine,” pahayag ni Pangulong Marcos

“Ukraine is our valued partner, and our relations continue to go from strength to strength.”