House Minority Leader Marcelino “Nonoy” Libanan House Minority Leader Marcelino “Nonoy” Libanan

Libanan kay Sara: Sundin ang payo ng ama, umalis na sa pulitika bago maging huli ang lahat

15 Views

HINIMOK ni House of Representatives Minority Leader Marcelino “Nonoy” Libanan si Vice President Sara Duterte na sundin ang payo ng kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte, na umalis na sa politika habang may pagkakataon pa.

“We strongly urge the Vice President to listen to her father’s counsel for her to step away from politics before it’s too late,” ayon sa pahayag ni Libanan, kinatawan ng 4Ps Party-list.

“She is clearly unlike her father. It would appear that she makes crucial judgements, and issues utterly reckless pronouncements without any preparation or thoughtful consideration,” pahayag pa ng mambabatas.

“The Vice President lacks both the gumption and the grace required of a national leader,” dagdag pa ni Libanan.

Ito ang reaksyon ni Libanan sa naging pahayag ng bise presidente na ipapapatay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kung siya ay papatayin, dahilan upang ipag-utos ng Malacañang ang agarang aksyon laban sa nakababahalang pahayag.

Una ng sinabi ng bise presidente sa ginanap na press conference na kinausap nito ang isang killer at inutusan na patayin sina Pangulong Marcos, First Lady Liza Araneta-Marcos at House Speaker Ferdinand Martin Romualdez kung siya ay mapatay.

Kamakailan lang ay pinayuhan ng dating pangulo ang kanyang anak na si Vice President Duterte na iwan na ang politika, makaraang nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan kay Pangulong Marcos.

“Si Inday, pasalamat ka na lang sa Diyos na ang tatay mo naging presidente, ikaw naging vice president. Bihirang-bihira ‘yan, bihira sa isang pamilya. Hindi lahat ng pamilya sa Pilipinas… pasalamat na lang tayo. Now, as fast as you can, get out of politics,” ayon kay Duterte, na tinutukoy ang bise presidente na kilala rin sa palayaw na Inday Sara.

“Maghanapbuhay ka, negosyo, basta mabuhay ka lang [ng] mapayapa. Umalis ka na dyan sa pulitika. Huwag ka na mag-ambisyon, tutal vice president ka na,” dagdag pa ng matandang Duterte.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng Kamara ang umano’y iregularidad ng paggamit ng pondo ng Office of the Vice President (OVP), makaraan na ring punahin ng Commission on Audit (COA) dahil sa mga kwestiyonableng mga resibo na umano’y pinaggamitan ng pondo.

Nagmatigas naman ang bise presidente at sinabing walang naging pag-aabuso sa confidential funds at ang imbestigasyon ay “politically motivated.”