Adiong

Adiong: Banta ni Sara banta sa demokrasya

23 Views

ANG pag-amin ni Vice President Sara Duterte na kanyang kinausap ang isang hitman upang patayin ang Pangulo ay nagdulot umano ng malaking pangamba sa posibleng pagguho ng prinsipyo ng demokrasya at posibleng maling paggamit ng kapangyarihan.

Kasabay nito ay nanawagan si Assistant Majority Leader Zia Alonto Adiong, ng 1st District of Lanao Del Sur na imbestigahan ang naging pahayag ng Ikalawang Pangulo.

“The mere suggestion of such a capability reflects a dangerous normalization of extrajudicial means to address personal or political grievances,” sabi ni Adiong.

“This is not just a matter of rhetoric—it touches the core of our democratic values and the rule of law. Public officials are expected to uphold justice, fairness, and the Constitution, not to insinuate access to violence as a means of retribution,” saad pa ng kongresista.

Ayon kay Adiong mahalaga ang pagsasagawa ng imbestigasyon upang masigurong walang opisyal ng pamahalaan ang may impluwensya at kapangyarihan na gumawa ng taliwas sa batas.

“Our democracy cannot and should not tolerate even the suggestion of extrajudicial solutions to conflicts. The public deserves leaders who uphold justice, not those who imply access to violence as a solution. Nakakabahala,” wika pa nito.

Kailangan din aniya ng transparency at pananagutan sa pinakamataas na lebel ng pamahalaan at nanawagan sa kinauukulan para imbestigahan ang pahayag ng Bise Presidente at kung totoo at ibulgar ito at buwagin.

“This issue transcends political affiliations. It strikes at the heart of what it means to be a public servant in a democratic society. We owe it to our people to preserve the sanctity of our institutions and to ensure that no public official, regardless of rank, operates above the law.”

Payo ng mambabatas sa publiko maging mapagmatiyag at magkaisa para magkaroon ng pananagutan ang mga opisyal ng pamahalaan sa kanilang mga ginagawa at sinasabi at isusulong ang hustisya at rule of law sa bansa.