Baril Ang baril na aksidenteng nakapatay sa 8- taong gulang na bata sa Tondo, Manila.

Kuya, hindi pulis na ama, nakapatay sa bata–MPD

Jon-jon Reyes Nov 24, 2024
12 Views

KUYA ng walong-taong gulang na bata ang nakabaril at nakapatay sa kanya sa Tondo, Manila noong Huwebes base sa imbestigasyon ng Manila Police District.

Base sa impormasyon, posibleng pinapakialaman ng 13-anyos na binatilyo ang baril ng kanyang ama na pulis sa kanilang drawer.

Unang tumama sa cabinet ang bala saka tumagos sa kanilang silid at tinamaan sa tagiliran ang biktima habang natutulog.

Taliwas ito sa naunang ulat na ang ama ng biktima ang nakabaril sa bata.

Naitakbo pa sa ospital ang biktima ngunit idineklarang dead-on-arrival.

Kasabay ng paghihinagpis sa pagkamatay ng kanyang bunsong anak, nag-aalala rin ang ama sa kalagayan ng kanyang binatilyong anak .

Dahil sa insidente, posibleng maharap pa rin sa kasong administratibo at kriminal ang ama ng bitkima.