Calendar
DOJ: Plot kill ni VP Sara may legal consequences
ITINUTURING na ng Department of Justice (DOJ) na self-confessed mastermind si Vice President Sara Duterte dahil sa tangkang pagpatay kina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., First Lady Liza Marcos at House Speaker Martin Romualdez.
Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Justice Undersecretary Jesse Andres na gagamitin ng gobyerno ang lahat ng resources nito maprotektahan lamang ang Pangulo ng bansa.
“The premeditated plot to assassinate the President as declared by the self-confessed mastermind will now face legal consequences,” pahayag ni Andres.
Kasabay nito, doble kayod ngayon ang National Bureau of Investigation na matukoy o matunton ang assassin o ang taong inutusan ni Duterte na patayin ang Pangulo.
Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, may kanya kanyang imbestigasyon na ginagawa ngayon ang lahat ng law enforcement agency ng pamahalaan para matukoy ang assassin ni Duterte.
Patong patong na kaso vs Duterte ikinakasa
Samantala, kakasuhan ng DOJ si VP Duterte dahil sa kanyang banta.
Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Undersecretary Andres na kabilang sa mga kasong maaaring isampa ay kasong kriminal at administratibo.
Tinitingnan din aniya ng DOJ ang kasong sedition.
“In the light of recent events, very alarming events, the government is taking action to protect our duly elected President. The premeditated plot to assassinate the President as declared by the self-confessed mastermind will now face legal consequences. And we are tapping our law enforcement agents to investigate the whereabouts and the identity of this person or persons who may be plotting against the President,” pahayag ni Andres.
“Ang Bise Presidente po ay maraming posibleng legal liabilities sa kaniya pong mga nagawang pananalita at mga aksyon na ginawa kasabay nito. Hindi po namin sinasara ang pinto sa mga malalaking kaso nguni’t ayon po sa due process, kailangan pong isaganap muna namin ang kumpletong imbestigasyon,” pahayag ni Andres.
Ayon kay Andres, hindi ito ang unang pagkakataon na pinagbantaan ni Duterte ang buhay ni Pangulong Marcos.
Sinabi n ani Duterte noong nakaraang taon na pupugutan ng ulo si Pangulong Marcos.