Calendar
Kooperasyon ng Pilipinas at UAE pinalalim pa
NAGKASUNDO sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at United Arab Emirates President Sheikh Mohamed bin Zayed Al Nahyan na palalimin pa ang kooperasyon ng dalawang bansa partikular na sa ekonomiya, kalakalan at sustainability.
Ginawa ng dalawang lider ang kasunduan sa isang araw na working visit ni Pangulong Marcos sa UAE.
“During their meeting in Abu Dhabi, the two leaders emphasized their dedication to strengthening bilateral ties and delivering lasting benefits to their peoples, coinciding with the 50th anniversary of friendship and collaboration between their nations,” pahayag ng Presidential Communications Office.
Ipinaabot din ni Pangulong Marcos ang pasasalamat kay President Al Nahyan dahil sa tulong ng UAE sa Pilipinas.
Halimbawa na ang pag turnover ng UAE sa Pilipinas sa Filipinong sex trafficker.
Pinasalamatan din ni Pangulong Marcos ang UAE sa pagbibigay pardon sa 143 na Filipino sa Eid al-Adha noong nakaraang taon.
Hindi rin nakalimutan ni Pangulong Msrcos ang humanitarian aid ng UAE sa mga biktima ng baha sa Pilipinas.
Naitatag ang diplomatic relations ng Pilipinas at UAE noong August 19, 1974.
Ipinagdiriwang ng dalawang bansa ang ika-50 diplomatic ties ngayong taon.
Nasa 700,000 Filipinos ang nagtatrabaho sa UAE.