Sara Vice President Sara Duterte

AML Khonghun: Duterte balak gumamit ‘extra-constitutional means’

14 Views
Khonghun
House Assistant Majority Leader Jay Khonghun

Para ipuwesto ang anak bilang presidente, banta sa demokrasya

MARIING binatikos ni House Assistant Majority Leader at Zambales Rep. Jay Khonghun si dating Pangulong Rodrigo Duterte, kaugnay ng umano’y plano nitong gumamit ng extra-constitutional na paraan upang maipuwesto si Vice President Sara Duterte bilang pangulo.

Binalaan ni Khonghun na ang ganitong hakbang, kabilang ang panawagan sa militar na kumilos hinggil sa mga kaganapan sa pulitika, ay maaaring magdulot ng kaguluhan at magpahina sa demokratikong institusyon ng bansa.

“This is what the former president seems eager for: his daughter potentially reclaiming his old seat, which could allow him to influence governance once more. This raises concerns about a return to the controversial policies of his administration and unresolved controversies, including issues like the Pharmally scandal,” ani Khonghun, na tumutukoy sa multi-bilyong pisong kontrobersya noong termino ni Duterte.

Inilarawan niya ang nasabing plano bilang isang direktang atake sa demokratikong proseso ng bansa at banta sa soberanya nito.

“In the sick man’s calculus, a Sara presidency will turn our nation into a haven for illegal Chinese operations. It will embolden him to carry out an unfulfilled wish: to jetski to the West Philippine Sea, not to defend our sovereignty but to act as a harbor pilot for Chinese gunboats robbing us of our territory,” mariing pahayag ni Khonghun.

Inakusahan niya si Duterte ng paggamit ng hindi demokratikong pamamaraan para maisulong ang anak nito sa kapangyarihan, at binigyang-diin na ito’y sisira sa balangkas ng demokrasya sa bansa.

“Hindi ito hahayaan ng mamamayan. Sapagkat alam nila na ang tunay na durugista ng kalayaan ay si Duterte. Dudurugin niya ang demokrasya, dudurugin niya ang ating kinabukasan,” saad ni Khonghun.

Hinimok niya ang mga Pilipino na manatiling mapagbantay at labanan ang anumang tangkang sirain ang proseso ng eleksyon. Aniya, hindi na muling dapat bumalik ang bansa sa panahon ng korapsyon, kawalan ng pananagutan at mapanupil na pamamahala.

“The people will not only reject but resist such a brazen plan. We will not allow a return to an era where fear, corruption, and impunity ruled over hope, justice, and progress,” wika nito.

Tinapos ni Khonghun ang pahayag sa panawagan para sa sama-samang pagkilos upang protektahan ang demokratikong institusyon ng bansa at tiyakin ang maayos nitong kinabukasan.

“Duterte’s legacy is one of destruction. But the Filipino people have shown time and again that we are stronger than any tyrant’s ambition. Together, we will safeguard our institutions and secure a future where democracy thrives,” saad ni Khonghun.