Lindol

Aftershocks inaasahan sa 5.7 magnitude lindol na yumanig sa Tarlac

Zaida Delos Reyes Nov 28, 2024
13 Views

NIYANIG ng magnitude 5.7 na lindol ang Tarlac City nitong Huwebes ng madaling araw.

Batay sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs, naramdaman ang lindol dakong 5:58 ng madaling araw.

Ang lindol ay may tectonic origin at lalim na 192 kilometro.

Naramdaman ang intensity III ng lindol sa Cabangan, Zambales. Intensity II sa Sta Ignacia, Mayantoc, San Clemente, Ramos at Caming sa Tarlac; Palauig, San Antonio, Masinloc, Iba, Subic, San Narciso at San Marcelino sa Zambales.

Nasa Intensity I naman ang naramdaman sa Sta Cruz, Zambales , Tarlac City, Capaz at Bamban sa Tarlac; Abucay , Dinalupihan, Hermosa at Orion sa Bataan.

Wala namang naitalang nasugatan o napinsala ang lindol subalit inaasahan na magkakaroon ito ng aftershocks.