Calendar
Karapatan ng kababaihan, bata poprotektahan ng DOT
NANGAKO ang Department of Tourism (DOT) na poprotektahan ang karapatan ng kababaihan at mga bata sa pakikiisa sa 18-araw na kampanya para wakasan ang karahasan laban sa kababaihan.
Bilang bahagi ng paglulunsad ng kampanya, ipinakilala ng DOT ang “DOT Men Opposed to Violence Everywhere (MOVE) Pledge of Commitment.”
Sa tulong ng MOVE, nilagdaan ng mga empleyado ng departamento ang isang manifesto na nagpapatibay ng kanilang dedikasyon sa pag-aalis ng lahat ng karahasan at diskriminasyon laban sa kababaihan at mga bata.
“Naririto kami ngayon na may malalim na layunin at pangako habang nagtitipon sa 18-araw na kampanya upang wakasan ang karahasan laban sa kababaihan (VAW) na may sub-theme na ‘VAW Bigyang Wakas, Ngayon na ang Oras!,” sabi ni DOT Chief of Staff at Undersecretary Shahlimar Hofer Tamano sa ngalan ni Kalihim Christina Garcia Frasco.
Ayon kay Tamano, nagsisikap ang DOT na matiyak ang kaligtasan at kagalingan ng kababaihan at mga bata sa sektor ng turismo.
“Ang karahasan laban sa kababaihan at babae walang alinlangan na paglabag sa karapatang pantao na nangangailangan ng ating matatag na pangako.
Habang tayo nakikiisa sa inisyatiba ng UNESCO, kinakailangang kilalanin natin ang natatanging papel ng industriya ng turismo sa pagtugon at pagpigil sa mga ganitong kalupitan,” aniya.