PhilHealth

.8M taga-Bataan nakarehistro na sa Philhealth — Garcia

Christian Supnad Nov 30, 2024
35 Views

THE BUNKER, Bataan–Umaabot na sa mahigit 800,000 Bataeños ang nakarehistro na sa Philhealth, ayon kay Gov. Joet Garcia.

Sa pulong ng Provincial Health Board Meeting noong isang araw, tinalakay ni Garcia ang mga programang pangkalusugan ng lalawigan.

“Sa kasalukuyan, 803,014 na po ang kabuuang bilang ng mga rehistradong miyembro ng PhilHealth Konsulta na katumbas ng 90.98% ng kabuuang populasyon ng Bataan,” ani Garcia.

Tinalakay din ang “No Walk-in Policy” ng Bataan General Hospital and Medical Center (BGHMC) na ipinatupad simula noong Nobyembre 4.

“Iniulat din po ang iba’t-ibang kaganapan tungkol sa kalusugan sa lalawigan gaya ng mga kaso ng maternal death at under-five mortality cases,” sabi ni Garcia.

Kabilang sa mga pwedeng mag member sa Philhealth ang: Employees with formal employmen, kasambahays, Self-earning individuals; Professional practitioners, Overseas Filipino Workers, Filipinos living abroad and those with dual citizenship, Lifetime members at mga Filipinos edad 21-anyos pataas.

Pwedeng mga indirect contributors ang Indigents identified by the DSWD, Beneficiaries of Pantawid Pamilyang Pilipino Program, Senior citizens, Persons with disability, Sangguniang Kabataan officials, Previously identified at point-of-service/sponsored by LGUs at mga Filipinos na edad 21-anyos pataas.

Tinanggap ng lalawigan ang Top Performer Award mula sa PhilHealth Konsulta Package Provider noong Nobyembre 5 sa Subic Bay Freeport Zone.

“Kasama po sa nasabing pulong sina LMP President Tonypep Raymundo, Bokal George Estanislao, SP Committee on Health, IP Representative Bokal Feliciano Magay, Provincial Health Officer Dra. Rosanna Buccahan, Consultant on Health Dr. Bong Galicia, mga kinatawan mula sa BGHMC, PhilHealth Bataan, district hospitals, RHU’s at Municipal Health Officers (MHO’s),” ani Gov. Garcia.