Just In

Calendar

December 2024
M T W T F S S
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  
Patay Source: FB post

3 patay, 31 naospital dahil sa pagkain ng pawikan

27 Views

PATAY ang tatlong tao habang isinugod naman sa pagamutan ang mahigit sa 31indibidwal matapos na malason sa kinaing adobong pawikan sa bayan ng Dat Blah Sinsuat, Maguindanao del Norte.

Batay sa ulat ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng Datu Blah, kabilang sa mga nasawi ay pawang mga miyembro ng Tenduray Indigenous Tribe.

Napag-alaman na isa sa mga biktima ang bumili ng pawikan at iniluto ng adobo para gawing ulam.

Gayunman, matapos makakain ay agad na nakaranas ng pananakit ng tiyan ang mga biktima. Ilan sa mga ito ay nagsuka, nag-lbm at nanakit ang ulo dahilan upang isugod ang mga ito sa pagamutan.

Hinala ng mga awtoridad , posibleng may lason ang nakaing pawikan dahil kulay pula ang shell nito.

Kaugnay nito, pinayuhan naman Datu Mohamad Sinsuat, pangulo ng Liga ng mga Barangay ang mga residente ang huwag kumain ng mga alanganing pagkain.