Calendar
PBBM, congressmen nagkaroon ng fellowship sa Malakanyang
NAGKAROON ng pagpupulong sa Palasyo ng Malakanyang si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at ang mga kongresista sa Palasyo ng Malakanyang.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), isang fellowship ang pagpupulong.
Sinabi pa ng PCO na matagal nang naka iskedyul ang pagpupulong.
“The gathering is meant to be a fellowship between the Office of the President and members of the House of Representatives which was already scheduled some time ago. The event is for close in coverage only,” pahayag ng PCO.
Hindi naman tinukoy ng PCO kung pinag-usapan ni Pangulong Marcos at ng mga kongresista ang nakahaing impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Una nang sinabi ni Pangulong Marcos na hindi niya susuportahan ang impeachment complaint laban kay Duterte.
Bukod dito, sinabi ni Pangulong Marcos na pagsasayang lamang ng oras ang pagpapatalsik sa puwesto kay Duterte.
Hindi rin aniya makatutulong para umangat ang buhay ng isang Filipino ang impeachment complaint laban kay Duterte.