pgh Pinangunahan ni DBM Secretary Amenah Pangandaman ang Dugtong Buhay Movement bloodletting drive sa UP- PGH,Taft Avenue, Manila. Kasama sa naturang aktibidad sina Dr.Gerardo Legaspi director ng UP -PGH, Commo Arnaldo Lim-Acting Commander PCG NCR-Central Luzon, MPD Chief PBGen. Arnold Thomas Ibay, Dr.Gwendolyn Pangan -Philippine Red Cross, JSupt.John Paul DG Borlongan-BJMP at Dr Micheal Tee of Chancellor ng University of the Philippines-Manila. Kuha ni JONJON C. REYES

Bloodletting ginawa sa UP-PGH

Jon-jon Reyes Dec 6, 2024
60 Views

NAGSAGAWA ng ikalimang Dugtong Buhay Movement ang pamunuan ng Department of Budget and Management (DBM) sa pamumuno ni Secretary Amenah Pangandaman sa Philippine General Hospital (PGH) UP Taft Avenue,Ermita Manila, nitong Biyernes.

Ang Dugtong Buhay Movement ay pinangungunahan ng DBM kasama ang Philippine Red Cross, Philippine Coast Guard, at Philippine National Police (PNP)..

Umabot sa mahigit 600 na pledge ang nag alay ng dugo para sa nasabing aktibidad.

Ito ang kauna unahang pagkakataon na nakipagtulungan ang University of the Philippines Manila (UPM) sa (DBM) para sa bloodletting drive,katuwang ang UP Pahinungod,Phi Kappa Mu at Mu Sigma Phi Fraternities,at Phi Lambda at Mu Sigma Phi Sororities.

Samantala,nakilahok din sa blood donation drive ang mga volunteer na mga kawani ng Bureau of Jail Management ang Penology. at ang Coca-Cola Philippines.