Just In

Calendar

April 2025
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
Mandanas

Ika-433 taon ng pagkatatag ng Batangas ipinagdiwang

101 Views

KINILALA ang ilang natatanging Batangueno sa pagdiriwang ng ika-443 na taong pagkakatatag ng Batangas noong Disyembre 8 na sinaksihan ni Gov. Dodo Mandanas.

Tagumpay na naidaos ang simple ngunit makabuluhang programa para sa founding anniversary ng lalawigan sa Regina Mandanas Memorial DREAM Zone sa capitol compound, Batangas City kasama sina Vice Governor Mark Leviste at mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan.

Bukod sa awarding ceremony para sa Dangal ng Batangan Awardees, nagkaroon din ng official launching ng Best of Batangas Coffee Table Book na naglalaman ng mga pahinang nakatuon sa mayamang kultura, kasaysayan at ipinagmamalaki ng lalawigan.

Dinaluhan ang selebrasyon ni Atty. Angelica Chua-Mandanas, maybahay ng gobernador, at mga kawani ng pamahalaang panlalawigan ng Batangas.