BFAR Ang insidente sa Hasa Hasa Shoal kung saan tinutukan umano ng barko ng Tsina ang dalawang barko ng BFAR. Screen grab mula FB post ng ABS-CBN

PBBM hindi magpapadala ng warship sa WPS

Chona Yu Dec 10, 2024
51 Views

HINDI nakikipag-giyera ang Pilipinas sa China kaya hindi magpapadala ng warship sa West Philippine Sea (WPS).

Ito ang tugon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa panibagong insidente ng harassment ng China sa Bajo de Masinloc at sa Hasa-Hasa Shoal kung saan binomba ng water cannon at laser ang mga barko ng Pilipinas.

Ayon kay Pangulong Marcos, walang intensyon ang Pilipinas na palalain ang tensyon sa WPS. “If we look at the evolution of the situation in the WPS, the Philippines has never been an agent of escalation of tensions,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“We are not at war, we don’t need navy warships. All we are doing is resupplying our fishermen, protecting our territorial rights.

Again, it will be provocative and will be seen as an escalation, and we don’t do that. The Philippines does not escalate tensions. Quite the opposite, the Philippines always tried to bring down the level of tension,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Imbes na warships, nangako si Pangulong Marcos na patuloy na gagampanan ng pamahalaan ang tungkulin na protektahan ang bawat Pilipino

“We are going to continue to perform our mission; we will never be part of an escalation in the situation in WPS,” pahayag ni Pangulong Marcos.