Calendar
NLEX Candaba 3rd viaduct binuksan na
PINASINAYAAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagbubukas ng NLEX Candaba 3rd Viaduct noong Martes.
Sinabi ng Pangulo na malaking tulong ang bagong kalsada lalo na ngayong panahon ng Pasko.
“As we enter the holiday season–a period marked by heightened activity and an influx of holiday travelers–this bridge becomes even more crucial,” pahayag ni Pangulong Marcos.
“Let me assure everyone that the Department of Transportation and the Toll Regulatory Board are implementing measures to ease congestion and to ensure smoother travel across this corridor,” dagdag ni Pangulong Marcos.
Nanawagan si Pangulong Marcos sa mga opisyal ng Department of Transportation (DoTR) at Toll Regulatory Board (TRB) na maging mapagmatyag.
“Let us prioritize with swift responses, mechanisms and deploy well-coordinated traffic management strategies to address the ever-changing conditions and the increasing demands on our toll roads,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Ang Candaba viaduct ay limang kilometrong tulay na itinayo noong 1977 na nagkokonekta sa Bulacan at Pampanga.
Tinatayang nasa P7.8 bilyon ang inilaang pondo sa viaduct na itinayo sa pagitan ng mga tulay na nagkokonekta sa mga bayan ng Pulilan, Bulacan at Apalit, Pampanga at inaasahang magpapaluwag sa daloy ng trapiko lalo na tuwing peak travel periods.