Magsino

Magsino pinangunahan groundbreaking para sa OFW Hospital

Mar Rodriguez Dec 12, 2024
68 Views

Magsino1Magsino2Magsino3Magsino4Magsino5PINANGUNAHAN ni OFW Party List Rep. Marissa “Del Mar” P. Magsino pagpapasinaya sa ipatatayong Ospital para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na tatawaging Bagong Pilipinas Cancer Care Center.

Dinaluhan ni Magsino ang makasaysayang ground breaking ceremony ng OFW Hospital – Bagong Pilipinas Cancer Care Center sa lalawigan ng Pampanga. Ang proyektong isinulong ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. na naglalayong magbigay ng de-kalidad, abot-kaya at maayos na serbisyong pangkalusugan para sa mga OFWs kasama na ang kanilang mga pamilya.

Dahil dito, pinuri ni Magsino si President Marcos, Jr. dahil sa pagsusulong nito sa naturang proyekto na magbibigay ng napakalaking tulong para sa mga OFWs at kanilang pamilya na isang malinaw na indikasyon ng malasakit at pagmamahal ng pamahalaan para sa libo-libong Pilipinong Migrante.

Idinagdag pa ng kongresista na ang pagkakaroon ng OFW Hospital ay maituturing din na “pakunsuwelo” ng administrasyong Marcos, Jr. o isang pagkilala para sa malaking sakripisyo at kontribusyon ng mga OFWs sa pag-unlad ng bansa na kinikilala bilang mga bagong bayani.

Pinasalamatan din ni Magsino ang Pangulong Marcos, Jr. kabilang din sina House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez, Department of Migrant Workers (DMW) Sec. Hans Leo Cacdac at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Arnel Ignacio dahil sa kanilang masigasig na suporta at pagtulong upang maisakatuparan ang proyekto ng OFW Hospital.