BBM Ayon kay Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., wala siyang nakikitang hadlang para magpatupad ng pagluluwag sa pagbibigay ng visa access maging sa mga foreigners na magmumula sa Singapore at United Kingdom

PBBM inaprubahan pagluwag ng visa access sa dayuhan

Chona Yu Dec 12, 2024
26 Views

BBM1INAPRUBAHAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang rekomendasyon ng Private Sector Advisory Council na luwagan ang visa access sa mga dayuhang manggagaling sa Amerika, Australia, Canada, Japan at iba pa.

Ayon kay Pangulong Marcos, wala siyang nakikitang hadlang para magpatupad ng pagluluwag sa pagbibigay ng visa access maging sa mga foreigners na magmumula sa Singapore at United Kingdom.

Sa rekomendasyon ng PSCA, mas madali na ang visa access sa AJACS (American, Japanese, Australian, Canadian, Schengen) at AJACSUK (American, Japanese, Australian, Canadian, Schengen, Singapore or UK) visa holders.

“I think we should stop messing around with this system. It’s so clear already. And again, it’s something that we don’t have to pilot because it has been done for us in many, many airports,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Pero ayon sa Pangulo, kailangan lamang itong pag-aralan ng mabuti lalo na sa usapin sa seguridad.

Pinarerebyu rin ni Pangulong Marcos ang rekomendasyon ng PSAC na palakasin pa ang immigration experience sa pamamagitan ng paggamit ng digital identification system gamit ang biometric data, gaya ng facial recognition o fingerprint.

“It’s just a question really of putting the systems in and getting the hardware, and then slowly educating everybody how to use that hardware,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“For me, it’s just a question of adopting the technology and learning how to use it. As I said, everybody else in the world is doing it already,” dagdag ni Pangulong Marcos.

Matatandaang nilagdaan ni Pangulong Marcos ang VAT Refund Law o Republic Act (RA) No. 12079 na nagbibigay ng refund sa mga turista na bibili sa accredited retail outlets sa mga produktong Filipino ng P3,000 sa loob ng 60 araw,