Noel Damot

Bagong bihis, lumang pulitika

Noel Damot Apr 18, 2022
336 Views

NITONG nakaraang lingo, inanunsyo ng kampo ng kakampink na kandidato sa pagkapangulo na si Robredo ang pagpapalit sa kanilang campaign symbol. Mula sa dating kalimbahin na rosas, ngayon ay bagong uri ng bulaklak na mukhang venus flytrap na diumano’y may mga kulay ng watawat ng Pilipinas. Di umano dahil ang lilim ng asul na ginamit sa bagong simbolo ng kampanya ni Robredo ay Navy Blue at hindi ang Royal Blue na nakasaad sa Flag at Heraldic Code ng Pilipinas.

Ang pagbabago sa simbolo ng kampanya ay tila bilang tugon sa panawagan ng mga kakampink na tagasuporta ni Robredo para ang kampanya ay maging mas inklusibo – o magmukhang mas inklusibo sa lahat ng mamamayan.

Ang mga panawagan ay dumating sa gitna ng paglabas ng pinakahuling mga presidential preference survey na nagpapakitang si dating senador Ferdinand Marcos, Jr. o mas kilala bilang BBM ay nananatiling nangunguna sa sampung iba pang kandidato sa pagkapangulo at napipintong manalo sa pagkapangulo sa Mayo.

Ang parehong presidential preference survey na ito ay nagpapakita rin na si Robredo – ang No. 2 – ay napakaliit na natamo mula nang magsimula ang kampanya noong Pebrero at napipintong matalo sa Mayo. Ito ay sa kabila ng mga pahayag ng kanyang tagapagsalita na ang tinatawag nilang “people’s campaign” ni Robredo ay may momentum – mga pahayag na ang tanging basehan ay mga bloated estimate ng mga taong dumalo sa mga rally – o mas tamang tawaging libreng pakonsyerto ng kampo ni Robredo.

Kung mayroon man, ang pagbabago sa simbolo ng kampanya ay isang pag-amin ng isang katotohanan na hanggang kamakailan lamang ay hindi tinatanggap o kinikilala at pilit na tinatanggihan ni Robredo, ng kanyang campaign team at ng kanilang mga kakampink supporters – na ang kanilang mga diskarte sa kampanya ay hindi gumagana at nabigong maabot at maakit ang mga taong taglay ang mga botong kailangan ni Robredo sa Mayo. Sa halip, kabaligtaran ang natamo ng kampanya ni Robredo at ng mga kakampik – dahil matagumpay nilang na-alienate at na-antagonize ang publiko tulad ng ipinakita kamakailan ng isang bitter na kakampink na nang-harass ng isang jogger sa UP academic oval dahil lamang sa nakasuot ang jogger ng BBM na face mask.

Bukod dito, ang pagbabasura nila ng simbolo ng pink na rosas ay nagpapakita at nagpapatunay na ang kampanya ni Robredo at ang mensahe nito ay sadyang elitista at eksklusibo para sa mga relihiyoso at disente tulad nila – isang bagay na hindi naitatago ng kanilang “kakampink” (o kami – kami lang) na palayaw. At dahil nga dyan, kailangan nila ngayong magpakitang tao at ibukambibig na ang kampanya ni Robredo ay para sa lahat ng tao, kahit doon sa dating nilang inaaway at iniinsulto na tagasuporta ng ibang kandidato, at binabansagang pa ngang TaBoGo (tanga, bobo at gago).

Dahil dito ito, makatuwiran ba na baguhin ni Robredo at ng kanyang kampo ang kanilang simbolo ng kampanya at mensahe sa nalalabing tatlong linggo o 20 araw bago ang halalan?

Ang pag-angkop at paggamit ng bagong simbolo at pagpapalabas ng bagong mensahe ay huli na at hindi sapat para makakuha ng bagong tagasuporta o makakumbinsi ng mga tagasuporta ng iba mga kandidato na lumipat at maging tagasuporta ni Robredo. Dahil ito sa negatibong pangangampanya ng kampo at mga tagasuporta ni Robredo, na sa halip na isulong ang mga positibong aspeto ng kanilang kandidato, ay naglaan ng maraming oras upang atakihin at siraan ang ibang mga kandidato lalo na ang nangungunang si BBM.

Malinaw ito sa naging pahayag ng isang tindera sa Tandang Sora Market sa mga kakampink celebrities na si Edu Manzano/Cherry Pie Picache na si BBM ang gusto niyang iboto. Nang interbyuhin ang tindera ng isang vlogger makalipas ang ilang araw para ipaliwanag kung bakit hindi man lang niya isaalang-alang si Robredo sa pagpili ng kandidato, sinabi niya na ito ay dahil ang kampanya ni Robredo ay puro paninira lamang laban sa ibang kandidato.

Dapat yata, sa halip na baguhin ang kanilang simbolo, dapat pinagnilayan ng campaign team at mga tagapayo ni Robredo ang mga dahilan kung bakit palpak at hindi umuusad ang kampanya ni Robredo. Kung ginawa nila ito, mauunawaan nila na ang kapalpakan ng kampanya ni Robredo ay hindi lamang dahil hindi epektibo ang kasalukuyang campaign symbol ngunit kay Robredo mismo at sa dilaw na pulitika at pamumuno ng Liberal Party na kanyang kinakatawan.

Walang bago sa uri ng pulitika na dala at inihahandog ni Robredo sa bayan. Ang pulitika at pamumuno na dala at kinakatawan ni Robredo ay yun pa ring dating bulok at walang kwentang pulitika at pamumuno na ipinamalas sa bayan at sa mga Pilipino mula 2010 hanggang 2016 – kung saan gigipitin ang mga hindi nila kakampi at pilit na pagtatakpan ang kakulangan ng kanilang mga kaalyado. At itong uri ng bulok at walang kwentang pulitika at pamumuno ay nauna nang tinanggihan at ibinasura ng taongbayan sa halalan noong 2016.

Si Leni Robredo ay produkto ng bulok at walang kwentang Liberal Party at mga dilawan.

At tama lamang na tanggihan ng mga Pilipino ang bulok at walang kwentang produkto tulad ni Leni Robredo.

At kahit nagpalit ng simbolo at nagbagong bihis ang kampanya niya, nananatiling bulok at walang kwenta si Robredo at ang uri ng pulitika at pamumuno na kinakatawan niya. At tulad ng naganap noong 2016, hindi ito tatanggapin at ibabasura lamang ng mamamayang Pilipino.

Ang nararanasan ni Robredo, ng kanyang kampo at ng kanyang mga tagasuporta ay halos kaparehas ng naranasan ng isang dating sikat kumpanya na Blackberry. Sa kabila ng rebranding ni ginawa ng Blackberry noong 2013, hindi bumenta ang nilabas nilang bagong smartphone, dahilan kung bakit tumigil na ang Blackberry sa paggawa at pagbenta ng smartphone at tuluyan nang tinalikuran ang negosyong ito.

Na nagpapakita lamang na kung ang produkto mo ay palpak, hindi ito tatangkilikin kahit ilang rebranding pa ang gawin mo.