Luis Ferrer SHS Ang mga estudyante ng Luis Y. Ferrer Jr. Senior High School na grand prize winner sa Valenciana Festival Street Dancing Competition noong Biyernes.

Luis Ferrer SHS students nasungkit grand premyo sa paligsahan ng sayawan

Dennis Abrina Dec 14, 2024
22 Views

Luis Ferrer SHS Luis Ferrer SHS Luis Ferrer SHSGENERAL TRIAS, CAVITE–Nasungkit ng mga estudyante ng Luis Ferrer Jr. Senior High School ang grand prize sa Valenciana Festival Street Dance Competition noong Biyernes sa city plaza sa Brgy. Bagumbayan ng siyudad na ito.

Ang mga mag-aaral mula sa South Square Pasong Kawayan II nanalo ng best in street dancing, best in Field Performance, Pinakamahusay Sa Kasuotan (1st runner up) para tanghalin na overall champion sa 12 schools na lumaban sa kompetisyon.

Ang nasabing paaralan nag-uwi ng P75,000 cash prize at trophies, habang P50,000 para sa 1st runner up, P35,000 para sa 2nd runner up at P25,000 consolation prize.

Tinanghal na Festival Queen si Honey Marielette Alma Cruz ng Gobernador Ferrer Jr., East National High School.

Nanalo ang Barangay Pasong Camachile I ng P30,000 cash at tropeo sa Valenciana on-the-spot cooking contest noong Disyembre 9.

First runner up ang Brgy. Corregidor at 2nd runner up ang Brgy. San Juan I na nakakuha ng P25,000 at P20,000 cash prize.

Bahagi ang mga contests ng pagdiriwang ng 9th Cityhood at 276th foundation anniversary ng nasabing lungsod.

Naglagay ng bulaklak ang lokal na pamahalaan, sa pamumuno ni Mayor Luis Ferrer IV at Vice Mayor Jonas Labuguen, sa Monumento ni General Mariano Closas Trias sa Barangay 1896 at sa historical marker ng simbahan ng San Francisco de Asis sa Brgy. Bagumbayan.

Nilagdaan din nina Mayor Ferrer at Dr Emmanuel Calairo ng Cavite Historical Society ang isang kasunduan para sa paggawa ng coffee table book hinggil sa kasaysayan ng lungsod.

Mahigit 45,000 na tao ang dumalo sa The GenTri Music Festival noong Disyembre 7 sa General Trias Sports Park sa Brgy. Santiago.

Idinaos din ang renewal of vows para sa 51 mag-asawa para sa mga 50 hanggang 70 taon nang kasal sa ballroom ng Bayleaf Hotel sa Brgy. Manggahan.

Binigyan ng LGU ng P10,000 ang bawat mag-asawa bilang regalo.