Zarate

Bayan Muna sa ERC: Meralco probe sa overcharging, bilisan!

272 Views

NANAWAGAN si House Deputy Minority leader and Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate sa Energy Regulatory Commission (ERC) na pabilisan ang imbestigasyon sa mga reklamo laban sa Meralco upang mapagaan ang ekonomiya.

“Meralco should be made accountable for all the amount it may have overcharged its captive consumers. “Huwag sana itong maging kaso na idinelay daw ang mas malaking power rate increase para itago ang mas malaki pa na dapat ibalik sa mga konsyumer,” paliwanag ni Zarate.

Inilabas ng Davao-based solon ang kaniyang hinaing nang muling magdagdag ng singil na 53.63 centavos per kilowatt-hour (kWh) ngayong buwan ang Meralco na aniya ay pinakamalaking pagtataas ngayong taon..

At ang idinadahilan umano ay ang mataas na halaga ng elektrisidad na binibili ng distributor mula sa kanilang mga suppliers.

Ayon kay Zarate, ang Bayan Muna at consumer watchdog na Matuwid na Singil sa Kuryente (MSK) ay una nang kwinestiyon ang tatlong isinagawang overcharging ng Meralco.

“MSK had filed these complaints officially with the ERC more than a year ago. Bayan Muna has also filed resolutions to probe these overcharging issues against Meralco and other distribution utilities and we trust the ERC to use its regulatory powers to resolve these issues the soonest for the benefit of our already struggling consumers,” ani Zarate.

“In the audit of the P66 billion discrepancy, it is to unravel the mystery, how can Meralco sell more power than it is buying? This requires validating the power delivery of their power suppliers and their actual billings for power supply to Meralco and the actual payments.” giit pa ni Zarate,

Aniya, ang mga nasabing numero ay maaaring malaman o mai-check sa metering records ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

“We call on ERC to get to the bottom of this, so that consumers can be refunded of their money, if warranted, and for those responsible for this should be made accountable.Kailangang-kailangang makatipid ngayon ng mamamayan kaya dapat na mas mabilis kumilos ang ERC,” dagdag pa ng mambabatas.