MMDA, kinilala ang 17 Metro Manila LGUs sa kanilang Outstanding Tobacco Control Policies

Edd Reyes Dec 16, 2024
15 Views

KINILALA at pinarangalan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang lahat ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila bunga ng katangi-tangi nilang pagsisikap na ipatupad ang pinakamahusay na kasanayan ng mga panuntunan sa pag-kontrol ng tobacco sa kani-kanilang nasasakupan.

Sa pagkakaloob ng parangal na ginanap sa MMDA Auditorium sa Pasig City, binigyang papuri ni MMDA Chairman Atty. Don Artes ang pagsisikap ng 17-Metro Manila LGUs, sa pagsuporta sa kampanya laban sa paninigarilyo at inihayag na ang kanilang pagpupugay ay sumasalamin sa pagnanais na protektahan ang kanilang mga kababayan sa masamang epektong idinudulot ng paninigarilyo.

“I am enormously proud that all of the 17 LGUs in the metropolis are actively engaged in tobacco control with variety of measures institutionalized within their respective areas, conscientiously working towards sustainability and meeting the standards of the World Health Organization’s Framework Convention on Tobacco Control (FCTC),” nakasaad sa mensahe ni Artes na binasa ni MMDA General Manager Usec. Procopio Lipana.

Dumalo sa naturang kaganapan ang mga kinatawan ng iba’t-ibang lokal na pamahalaan sa Metro Manila upang tanggapin ang plake ng pagkilala.

Partikular na binati ni Arte ang Mandaluyong and San Juan sa kanilang makubuluhang hakbang sa pagtataguyod ng pampublikong kalusugan at responsableng pagpapasa ng mga bagong ordinansang may kaugnayan sa ang pagkontrol sa paggamit ng tobacco.

“Special congratulations to Mandaluyong and San Juan for they get more protection through the implementation of the new local ordinances passed following FCTC provisions,” dagdag ni Artes.

Bukod sa 17 LGUs, sa Metro Manila, anim pang non-government organizations ang pinarangalan ng MMDA kabilang ang Action on Smoking and Health, Philippines (ASH Philippines), HealthJustice Philippines, Metro Manila Center for Health Development, Ateneo School of Government, Social Watch Philippines at Transcending Institutions and Communities, Inc.

Kasama ni Usec. Lipana sa pagkakaloob ng parangal si Dr. Madeleine Valera, Senior Technical Adviser of Vital Strategies.