Veloso

Malakanyang tikom ang bibig sa pardon kay Mary Jane Veloso

Chona Yu Dec 17, 2024
18 Views

AYAW na munang magkomento ng Palasyo ng Malakanyang sa hirit na bigyan ng presidential pardon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si death row convict Mary Jane Veloso.

Tugon ito ni Executive Secreetary Lucas Bersamin sa pag-uwi ni Veloso sa bansa mula sa Indonesia matapos ang mahigit 14 na taon na pagkakakulong.

Ayon kay Bersamin, marami pa ang maaring mangyari.

Mas gusto aniyang tutukan ni Pangulong Marcos ang pagpapauwi kay Veloso nang walang hadlang.

“Nothing to say yet on what may happen. The priority of PBBM is to have Veloso repatriated without delay,” pahayag ni Bersamin.

Inaasahan ang pagdating sa bansa bukas ng umaga ni veloso.

sinundo na ito kagabi ng mga tauhan ng national bureau of investigation at bureau of corrections.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), agad na ididiretso sa Correctional Institute for Women sa Mandaluyong City si Veloso.

Ito ay matapos pumayag ang pamahalaan ng Indonesia na ilipat na lang sa Pilipinas ang kostudiya kay Veloso sa halip na patawan ng parusang kamatayan.

Taong 2010 nang mahuli si Veloso sa Indonesia dahil sa pagdadala ng illegal na droga.