Botanto

Pagbantay vs pekeng botanto hiniling

16 Views

BILANG tugon sa lumalaking pangamba tungkol sa pang-aabuso sa barangay-issued residence certificates para sa voter registration, binigyang-diin ni Senadora Nancy Binay ang pangangailangan ng agarang aksyon sa lehislatura upang paigtingin ang residency verification gamit ang makabagong biometric technologies.

Ayon kay Binay, sa pamamagitan ng political will at teknolohiya, magkakaroon ng mas malawak na kakayahan ang Commission on Election (Comelec) na sugpuin ang “flying voters” at pekeng rehistrasyon.

“Comelec’s biometric technology has shown us that multiple registrations can be detected. As a matter of fact, Comelec has already identified around one million voters with double or multiple registrations in 2024 alone. This highlights the scale of fraud in spite of the efforts to address the problems in our present electoral system. I believe there’s the necessity of combining stringent legislation with modern technology to nip the problem in the bud,” pahayag ni Binay.

Ang mga kasalukuyang teknolohikal na hakbang ng Comelec, gaya ng Automated Fingerprint Identification System (AFIS), ay napatunayang mahalaga sa pagsugpo sa pekeng voter registrations.

Sa isang pagdinig sa Senado, ibinunyag ni Comelec Chairman George Garcia na may ilang barangay officials ang nagsamantala sa kanilang kapangyarihang mag-isyu ng mga sertipikasyon sa mga indibidwal na hindi nakakatugon sa residency requirements, na nagdulot ng mga pekeng rehistrasyon at paglilipat.

“Huwag nating hahayaang abusuhin ng ilang mga politiko at opisyal ng barangay ang ganitong modus. We need to safeguard the integrity of our electoral process at the first point of registration. Stricter laws on residency verification coupled with advanced biometric technology is necessary to ensure the credibility of the elections,” ayon kay Binay.

Binanggit ng senadora na ang maling paggamit ng residence certificates ay nagpapahina sa proseso ng eleksyon at tiwala ng publiko, at nanawagan sa mga opisyal ng barangay na gampanan ang kanilang tungkulin nang may pananagutan, binibigyang-diin na ang pagsunod sa batas ay hindi maaaring baliwalain.

“Mabigat na kaso ang kakaharapin ng mga opisyal ng barangay na napatunayang lumabag sa election laws. Sad to say, transferees who make false declarations are likewise not exempt. We have to take note that both parties are under oath and may face criminal liability, including perjury, under the Revised Penal Code, and election offenses under the Omnibus Election Code,” dagdag niya.

Sa Makati lamang, halos 57,000 indibidwal ang natukoy ng Comelec na lumipat ng voter registration gamit ang barangay residence certificates, ang ilan sa kanila ay sa mga lugar kung saan hindi sila aktwal na residente.

“Let this serve as a warning: election laws are in place for a reason. Anyone who manipulates the system will be held accountable,” binigyang-diin ni Binay, idinagdag na ang mga opisyal ng barangay at transferees na lumabag sa batas ay maaaring makulong ng isa hanggang anim na taon.