PBBM

Bagong pera ng Pilipinas iprinisinta kay PBBM

Chona Yu Dec 19, 2024
169 Views

Bagong pera Bagong peraSINAKSIHAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang presentasyon ng Bangko Sentral ng Pililinas sa kauna- unahang kumpletong set ng Philippine Polymer Banknote.

Kung matatandaan kasi, tanging ang P10,000 bill pa lamang ang polymer na hawak ng publiko simula noong Abril 2022.

Pero ngayon, mayroon ng P50, P100, at P500 bills.

Tinanggap ni Pangulong Marcos ang kumpletong set ng Philippine Polymer Banknotes mula kay BSP Governor Eli Remolona.

Target ng BSP na maging available na ito sa sirkulasyon sa unang quarter ng 2025.

Layon ng polymer bills na ito na panatilihing mas malinis, mas matibay, at mas mahirap pekein ang peso bills ng bansa.

“By upgrading our currency, we are making sure that every hard-earned peso stays safe, whether it is saved, whether it is spent, or whether it is invested,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Tampok sa polymer banknotes ang mayamang biodiversity at cultural heritage ng bansa o ang mga imahe ng native at protected species kasama ang tradisyunal na mga disenyo ng habi o weave designs.

Tampok sa P1000 polymer banknote ang imahe ng Philippine eagle na simbolo ng strength, freedom, at sharp vision ng mga Filipino. Mayroon din itong sampaguita.na national flower ng bansa.

Tampok naman sa P500 bill ang Visayan spotted deer na simbolo ng clarity at sharpness.

Tampok sa P100 bill ang Palawan peacock-pheasant na sumasalamin sa katatagan ng mga Filipino sa gitna ng mga pagsubok.

Tampok naman sa P50 bill ang Visayan leopard cat na simbolo ng independence at agility.