BBM1 Tinanggap ni Presidente Ferdinand R. Marcos Jr. si Japan National Security Adviser Akiba Takeo nang mag-courtesy call para palakasin ang Philippine-Japan relations sa defense, security at economic concerns.

PBBM: Ugnayan ng Pilipinas, Japan lalakas

Chona Yu Dec 20, 2024
13 Views

KUMPIYANSA si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na mas magiging matatag ang partnership ng Pilipinas at Japan sa usapin ng defense, security at economic collaboration.

Ginawa ni Pangulong Marcos ang pahayag sa courtesy call sa Malakanyang ni Japan National Security Adviser Akiba Takeo.

“I’m very optimistic of the continuing strengthening of our partnership, not only in terms of defense and security but even in the economic (area),” pahayag ni Pangulong Marcos.

“It helped to strengthen our position when it comes to confronting different issues that we are all facing,” dagdag ni Pangulong Marcos.

Binigyang diin ni Pangulong Marcos ang kooperasyon ng dalawang bansa ukol sa defense security kung saan naka-focus sa interoperability pati na ang pagsasagawa ng exercises para mapalakas ang posisyon sa South China Sea.

Pinuri rin ni Pangulong Marcos ang niratipikahang Reciprocal Access Agreement (RAA) ng Senado noong Disyembre 16.

“I’m also very happy to be able to note that the Reciprocal Access Agreement has already been ratified by our Senate. And as soon as we’re all ready, we can operationalize the agreement that we have come through between Japan and the Philippines,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Layunin ng RAA na mapalakas ang military cooperation at interoperability sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Japan Self-Defense Forces.

Sa mensahe ni Japanese Prime Minister Ishiba Shigeru na binasa ni Akiba, nagpasalamat ito sa malakas na kooperasyon ng dalawang bansa.