BBM1 Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagbubukas ng bagong rennovated na Armed Forces of the Philippines Museum sa Camp Aguinaldo, Quezon City Mark Balmores/PPA Pool

PBBM binuksan bagong renovated na AFP Museum

Chona Yu Dec 21, 2024
13 Views

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagbubukas sa bagong renovated na Armed Forces of the Philippines (AFP) Museum.

Binuksan ni Pangulong Marcos ang bagong museum sa ika-89 anibersaryo ng AFP.

Nabatid na bubuksan sa publiko ang museum kung saan makikita ang iba’t ibang uri ng military weaponry mula sa cannons, rifles, tanks at mga helicopters.

Kabilang sa mga naka-display sa museum ang US M2 105mm Howitzer, a37mm Japanese anti-tank gun, 106mm US recoilless cannon, Huey helicopter, MD 500 attack helicopter, US M41 Light Tank, at vintage presidential troop review vehicle.

Makikita rin ang mga lumang rifles, pistols at bladed weapons mula sa Mindanao.

Tampok sa museum ang “Bongbong Rocket” na dinivelop at tinesting noong administrasyon ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr.

Tema ngayong taon ang AFP @ 89: Sandigan ng Sambayanan Tungo sa Bagong Pilipinas.